Ngayong ika-6 ng Nobyembre, 2025, isinagawa ng Paraรฑaque National High School โ San Isidro ang isang makabuluhang Earthquake Drill upang magsilbing pagsasanay sa mga mag-aaral, lalo na sa gitna ng sunod-sunod na pagyanig sa ibaโt ibang bahagi ng Pilipinas.
ย
Ang layunin nito na magbigay ng kaalaman at kahandaan ukol sa mga konkretong hakbang tungo sa kaligtasan ng bawat isa. Ang simpleng pagsasanay ng โDuck, Cover, and Holdโ ay maaaring maging susi tungo sa kaligtasan at pag-iingat.
ย
Hindi natin kayang pigilan ang paggalaw ng kalikasan, ngunit kaya nating ihanda ang ating sarili upang maiwasan ang pinsala at panganib.
ย
Ang disiplina, kalmadong pagkilos, at tamang kaalaman ang sandata natin sa ganitong panahon.
ย
Patuloy tayong maging alerto at makiisa sa mga programa ng paaralan para sa Disaster Preparedness. Sa bawat lindol, manatiling matatag, handa, at may malasakit sa kapwa.
ย
Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang laging handa!
ย
Sabi nga sa sikat na tagline: โLigtas ang may alam.โ