Menu
Philippine Standard Time:
🧠𝐓𝐚𝐠𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨: 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐈𝐬𝐢𝐩, 𝐋𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚
Sa matagumpay na pagtatanghal ng 𝗧𝗮𝗴𝗶𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼, ipinamalas ng mga mag-aaral mula Baitang 7 ang kanilang husay sa pag-iisip, talas ng kaalaman, at pagmamalasakit sa kulturang Pilipino bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱.
Ginanap kahapon sa 𝗣𝗡𝗛𝗦 – 𝗦𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗶𝗱𝗿𝗼 𝗔𝗩𝗥, sa pamumuno ni 𝗕𝗯. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗹𝗲𝘀, guro sa ikapitong baitang, at sa tulong na rin ng 𝗸𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗲𝘆𝘁𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 na si 𝗚. 𝗝𝗼𝗻𝗮𝘁𝗵𝗮𝗻 𝗦. 𝗦𝗼𝗹𝘁𝗲𝘀, matagumpay na naisakatuparan ang paligsahang ito na naglalayong linangin ang katalinuhan ng mga mag-aaral at itampok ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang kasangkapan ng kaalaman at pagkakaisa.
Sa bawat katanungan ay nasusubok ang bilis ng pag-iisip, lalim ng pang-unawa, at lawak ng kaalaman ng mga kalahok. Ang pagtutulungan ng bawat pangkat at ang sigasig ng bawat kalahok ay nagsilbing inspirasyon sa lahat ng nakibahagi sa programa.
Ang 𝗧𝗮𝗴𝗶𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼 ngayong taon ay hindi lamang naging patimpalak, kundi isang patunay na ang kabataang Pilipino ay handang tumindig at magtaguyod ng ating wika at kultura nang may talino at tapang. ✨
“𝘚𝘢 𝘸𝘪𝘬𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘶𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘰 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘶𝘣𝘶𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘨𝘶𝘮𝘱𝘢𝘺.”🌟
📷 𝐄. 𝐏𝐞𝐫𝐞𝐢𝐫𝐚
✍🏻 𝐀. 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐯𝐢𝐜𝐞𝐧𝐜𝐢𝐨

Mga Artikulo

Mula sa Ang Pagsibol

CONTACT US

OUR LOCATION