Sa matagumpay na pagtatanghal ng 𝗧𝗮𝗴𝗶𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼, ipinamalas ng mga mag-aaral mula Baitang 7 ang kanilang husay sa pag-iisip, talas ng kaalaman, at pagmamalasakit sa kulturang Pilipino bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱.
Ginanap kahapon sa 𝗣𝗡𝗛𝗦 – 𝗦𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗶𝗱𝗿𝗼 𝗔𝗩𝗥, sa pamumuno ni 𝗕𝗯. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗹𝗲𝘀, guro sa ikapitong baitang, at sa tulong na rin ng 𝗸𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗲𝘆𝘁𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 na si 𝗚. 𝗝𝗼𝗻𝗮𝘁𝗵𝗮𝗻 𝗦. 𝗦𝗼𝗹𝘁𝗲𝘀, matagumpay na naisakatuparan ang paligsahang ito na naglalayong linangin ang katalinuhan ng mga mag-aaral at itampok ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang kasangkapan ng kaalaman at pagkakaisa.
Sa bawat katanungan ay nasusubok ang bilis ng pag-iisip, lalim ng pang-unawa, at lawak ng kaalaman ng mga kalahok. Ang pagtutulungan ng bawat pangkat at ang sigasig ng bawat kalahok ay nagsilbing inspirasyon sa lahat ng nakibahagi sa programa.
Ang 𝗧𝗮𝗴𝗶𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼 ngayong taon ay hindi lamang naging patimpalak, kundi isang patunay na ang kabataang Pilipino ay handang tumindig at magtaguyod ng ating wika at kultura nang may talino at tapang.